Ulan, Nasa’n Ka?

Ulan, nasa’n ka?
Ngayo’y kailangan ka
Aking paki-usap
Sa dilim at mga ulap
Aking luhang umaagos
Itago sa iyong unos:
Isama sa bawat patak ()
Isama sa bawat buhos ()
Hanggang tuluyang malunod
Sa (lungkot ng kahapon at
Ng bukas at ngayon)
Sa (sakit ng pag-ibig at
Maliligayang panahon)
Na iyong nilimot
Na ako’y nilimot
—Na ako’y ‘yong nilimot

Night And A River

Dati akala ko tama si Adele. “Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead.”

Pero hindi pala. Mas madalas pala ang mga panahong masasaktan ka kaysa sa panahong iibig ka. Mas madalas ang mga panahong magtitiis ka kaysa sa panahong titiisin ka. Mas madalas ang mga panahong iibig ka ng maling tao, sa maling panahon. Mas madalas ang mga pagkakataong tayo ay malungkot, tayo ay iiyak, tayo ay nag-iisa.

Ngunit tulad nga rin ng sabi sa kanta, “I’ll find someone like you”. Someone na magmahahal sa akin. Someone na magpapahalaga sa kung ano ako, sa kung sino ako. Isang araw, matatagpuan ko rin ang isang taong tulad mo na maglalagay ng ngiti sa aking mga labi. Isang araw, makikilala ko rin ang isang taong tulad mo na sasalo sa aking mga luha at yayakap sa aking mga kalungkutan.

At hiling ko’y sana’y isang araw, abutin man ng limang taon, sampu, sandaan, o habambuhay, bumalik ka sa aking piling. Hihintayin ko ang araw na ito na muli kitang makikita at mayayakap. Ang araw na muli kong maipararama sa iyo ang aking pag-ibig.

Dahil para sa akin, wala nang ‘someone like you’.

Usaping Pag-ibig

20120610-154821.jpg

Di ko alam kung bakit napadpad sa aking blog ang dalawang taong ito na naghahanap ng kasagutan o kalinawanan tungkol sa isyu ng relasyon o pag-ibig. Pero kung sakali mang sila o ang mga taong tulad nila’y magawi ulit dito, at least, sa pagkakataong ito, makikita nila ang post kong ito.

Ang litrato sa itaas ay isang sipi mula sa webpage ng aking site statistics kung saan nakikita ko ang iba’t ibang bagay tulad ng kung ilan ang bumisita sa aking blog, kung saan sila galing, kung anu-ano ang kanilang tinignan, at, in this case, kung paano sila napadpad dito. At sa ibaba naman ay ang sagot at pananaw ko sa katanungan at isyu na kanilang ninais hanapin sa aking blog.

Akala ko’y ang isang pag-ibig [ay merong] understanding.

Akala ko rin dati, meron. Pero di pala lagi.

Para sa akin kasi, ang tunay na pag-ibig ay nagiging ganap lamang kung ang pagmamahal mo ay unconditional o absolute. Ni mahal ka niya o hindi, mahal mo pa rin siya. Kaya kung mahal mo siya, pero di ka niya iniintindi o minamahal, wala kang magagawa. Iyan ang nature ng pag-ibig. Pero kung mahal ka niya pero di ka niya iniintindi, then his/her love can’t be called love in the first place. But remember, ang first assumption natin ay mahal mo siya which means mahal mo siya at hindi ka naghahanap ng kapalit o katumbas na pagmamahal.

Okay, ang labo ko. Di ko rin naman kasi alam ang feeling ng pag-ibig na ‘mahal ko siya at mahal niya ako’ so di ko rin talaga alam exactly kung anong pakiramadam. Pero for me, the very essence of love per se is making others feel loved, and not expecting to be loved in return.

Ang babae ba minsan [ay gustong] pinipilit?

Tinanong ko ate ko at mom ko. Sagot nila, unanimous: oo.

Minsan daw mas gusto nilang pinipilit sila, gusto nilang nagpapakipot. Sa madaling sabi, sila’y mga pa-hard-to-get. Siguro isa rin naman lamang itong natural evolutionary mechanism na nadevelop ng species, tulad nating mga tao, kung saan ang babae ay kadalasang nag-i-impose ng competition sa mga lalaki (o ang possible mates) para ang maging kapareha nila ay ang pinakamalakas, o in a greater sense, ang pinaka-genetically-advantaged sa grupo o population upang ang maeestablish nilang blood line ay elite sa nasabing populasyon. Maari ding ito ay isang manifestation ng konsepto na pinakilala ni Dr Charles Darwin sa kanyang Theory of Natural Selection, kung saan ang Sexual Selection na tinatawag ding ‘Female Choice’, o ang pagpili ng mga babaeng miyembro ng populasyon ng magiging mate sa paraan na idinidikta ng kapaligiran, ay isang mahalagang elemento ng nasabing teorya.

Pero joke ko lang to. Wala talaga akong alam sa Evolutionary Science, o miski Biology. At higit sa lahat wala akong alam tungkol sa babae.

Ngunit ang tingin kong mahalagang bagay na dapat di mo malimutan ay ang pag-ibig ay di napipilit sa ibang tao. In the end, kung di ka rin niya naman mahal, e wala kang magagawa.

Ma(love)o

Ano ba ako sa iyo? Ano bang nararamdaman mo para sa akin? Dapat pa ba akong umasa? Ito ang mga tanong na tanging tumatakbo ngayon sa aking isipan. Ito ang mga tanong na gusto kong itanong sa iyo. Pero…sino ba ako para itanong ang mga ‘to sa iyo? Okay, siguro nalalabuan ka. Well, ako rin. Ang labo lang talaga kasi…parang feelings ng babae…parang pakikipag-usap kay lolo at lola…parang fogged-up glass…parang Physics problems…parang kung babae o lalaki ba si Justin Bieber…parang kung si Maverick o si Aiza ba ang kamukha ni Charice Pempengco…parang a = b, if b = a…parang ‘the greatest mystery on Earth’…parang—okay, tama na ang comparison—basta ang labo mo. Hindi ko alam kung gusto mo ako at hindi ko naman matanong kung gusto mo ako dahil hindi ko alam kung gusto mo ako. Minsan, feeling ko gusto mo ako…pero hindi. Minsan naman, parang ‘di mo ako gusto…pero oo. Gusto mo ako pero hindi mo naman ipinararama sa akin. Hindi mo ako gusto pero lagi mo akong pinakikilig. Ang labo, ‘di ba?

Alam mo namang gusto kita e. Bakit mo pa ako ginaganito? Alam mo namang kaunting usap o landi mo lang sa akin, bigay na bigay na ako sa iyo. Alam mo namang gustung-gusto kita pero ginaganito mo pa rin ako. Ikaw na lang ang kulang sa happily-ever-after ko, pero heto ka…chill lang sa sarili mong palasyo’t ‘di pa rin matanto kung gusto mo rin ba ako. Basta, labo mo talaga. Eto pa yung malala. Alam mo ‘yung libu-libong beses ko nang kinanta’t iniyakan ang ‘Someone Like You’ para lang maka-move-on sa iyo…ta’s biglang…boom! Paparamdam ka na parang walang nangyari. Papakiligin mo ako hanggang ‘di na ako makapag-aral sa exam, na parang wala nang mas mahalaga pa kun’di ang ‘ikaw at ako’. Pero…biglang boom! Wala ka na naman…na parang walang nangyari.

Minsan gusto ko na lang sumuko. Nagtataka pa rin kung ‘di ka ba naiirita sa pangungulit ko, ‘di na mabilang ang aking ignored messages, kung natural lang ba talaga ang iyong kasupladuhan o busy ka, or wapakels at all. Hindi ko alam. Ilang sines (joke, signs talaga) na ang hinigi ko kay Lord para malaman din ang feelings mo para sa akin. Kulang na lang e miski mga manghuhula sa Quiapo’y lapitan ko para hulaan ang tibok ng iyong fickle heart. Pero, eto…hanggang ngayon, wala pa rin akong clue. Para ngang ‘Deal or No Deal’ yung (okay, kakapalan ko mukha ko) ‘relationship natin’. Ikaw si banker. Ako yung player (sige ako na rin si Kris Aquino). Tapos feelings mo ‘yung nasa mga briefcase. Hulaan lang, at pagkakaiba sa totoong laro sa TV e walang offer-offer. Kailangan ipusta ko lahat ng feelings at love ko kapalit ng chance na mahalin mo rin ako. (Siguro sa pag-ibig natin nakuha ang konsepto ng mga ganitong klase ng laro?)

Ngunit sa kabila ng mga ‘di-kasiguruhan―kung may feelings ka nga rin ba sa akin o wala, kung darating din yung panahong mamahalin mo rin ako―ang damdamin ko para sa iyo ay ‘di magbabago. Alam ko sa sarili kong ginusto kita hindi dahil sa ginusto, gusto, o gugustuhin mo rin ako…kundi dahil gusto ko kung ano o sino ka. Alam kong mamahalin kita hindi dahil mamahalin mo rin ako…kundi dahil…sa simpleng dahilan―mahal ko kung ano o sino ka.

________________________

Sorry sa title. Triny kong magpaka-witty. Hello witty.

Math At Pag-ibig

Akala ko’y simpleng math lang ang umibig.

Bibigyan ka ng formula, ng given, at isosolb mo lang.

Simple lang ang sagot, walang radical, walang sine o cosine, walang mahabang computation.

Walang differentiation o integration, walang theorem o definition na kailangang i-define.

Pero, hindi pala.

Minsan kailangan mo ring ipakita ang solution, ang proving.

Kailangan mo ring mag-trial-and-error hanggang makuha mo ang tamang sagot.

Pero minsan, kahit anong gawin mo, kahit anong hirap mo, kahit anong haba ng solution mo, sa dulo, ang sagot ay…zero.

Sang Kyu So Much

Kung merong isang tao, yung taong…matagal mo nang pinapangarap makita nang personal, yung laging mong pinagpapantasyahan, ang hinahalik-halikan mo habang nakapikit ang iyong mata’t pinipilit mag-imagine, pakakawalan mo pa ba? Well, ako…duh, siyempre hindi. Don’t tell me pakakawalan mo lang? Gago ka ba?

Siguro nga (tulad ng isang gamit na gamit na kasabihan) madali lang sabihin, mahirap gawin. Siguro nga gago ako. Bakit ko nga ba siya pinakawalan? Bakit! Hindi ko man lamang siya nakausap ng kami lang. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya. Hindi ko man lamang naiparama yung nanggagalaiting feelings ko para sa kanya. Kung alam niya lang talaga, hay.

Sang Kyu ang tawag ko sa kanya, engineering student din tulad ko. Ngayong umaga ang balik niya sa Korea: exchange student siya sa UP Diliman kasama ang marami pang mga foreigner mula sa kanilang unibersidad. Nalungkot ako nang nabasa ko ang message niya (at sabay tugtog ng ‘When You’re Gone‘ ni Avril Lavigne):

Thanks so much….I have to leave today morning. It is my last post in the Philippines…. Maybe we couldn’t meet anymore but I will always remember you. If you have bad rememberance with me, please forget. Please take good rememberance. It was nice to meet you. Take care.

Ang cute ng English niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Pero hindi ko rin mapigilang lumuha. Shet, last day na niya ‘to. Shet, last day na, na may pagpapantasyahan ako. Shet talaga. This is not happening. Pero hindi, totoo talaga ‘to. Mamaya, hindi ko na siya muling makikita pa. Mamaya, maghihiwalay na ulit kami ng landas. Mamaya, mag-isa na naman ako. Ooops, feel na feel kong naging kami…kahit hindi. Eh yun nga yung sad part of the story. Hindi naging kami! Isa pang shet. Kahit man lang, masabi ko yung nararamdaman ko para sa kanya, ‘di ko rin nagawa. Shet ulit. Hay. Shet talaga. Ang dami ko pa ring regrets. Shet.

At kung makakabasa ka pa ng isang mura galing sa akin, (pasensya dahil) hindi ko talaga mapigilan. This, I can say, is one of the ‘major major’ things I regret in my life: letting go of someone I’ve always wanted, thought of, romanticised…someone tulad niya. Kung may ‘major major’ event na I regret so much, itong ito na talaga ‘yun. Pakshet.

Well…siguro…sana…isang araw…makapunta rin ako sa Korea. Malay ko, isang araw, magkita muli kami. Malay ko, isang araw, masabi ko na rin ang mga salitang “I love you” sa harapan niya. Malay ko, isang araw, ako na rin ang “Sang Kyu” ng buhay niya. Malay ko, malay mo, Malaysia.

Napakanta na lang ako sa lungkot (at sa ka-kornihan ng jokes ko).

I’ll always Sang Kyu for the glow
And Sang Kyu for the joy
Sang Kyu for the love you give to me
I’m glowing, glowing inside
With your love shining through
Sang Kyu for everything you do
I’m glowing inside because of you

_______________________

See disclaimer on About page

Ako, Pag-ibig, At Ikaw

Pa-spell nga ulit ng pag-ibig, pabirong banggit ng lalaki sa kasama niyang babae sa luob ng dyip.

Oo nga ‘no? Pag-ibig? Paano ba ibaybay ang salitang iyon? S-a-r-a-p? L-i-g-a-y-a? S-a-y-a? Leche, kalokohan lang ‘yan. May “pag-ibig” pa ba sa panahon ngayon? ‘Yung pag-ibig na…hindi mapanlinlang, mapanakit, nang-iiwan. Teka, ano bang tingin mo…meron? Dude, get over it! Wala na talagang pag-ibig sa mundong ito.

Ikaw alam mo ba talaga kung paano umibig? Ikaw? Ikaw? Kayo? Tatawa na lang ako kung makukuha niyo pang sumagot. Mga gago! Sinong niloloko ninyo, ako? Mga hayop! Pag-ibig…ang tawag mo sa ginawa mo sa akin? ginawa ninyo? ng bawat isa sa inyo? Ikaw? hindi ka man lang mahiya sa sarili mo? Ikaw? pagkatapos mo akong iwan, sasabihin mo “marunong kang umibig”? Ikaw? Kayong lahat? Mga gago!

Blangko.

Minsan bumabalik pa rin ang galit ko sa kanya, sa kanila. Hindi ko mapigilang maalala kung gaano nga ba kasakit umibig. Ang bawat hiwa at taga ng bawat paghihiwalay, sampal at suntok ng bawat pag-aaway, lahat, ‘di ko magawang malimot. Sila, na minahal ko nang lubos, nang buong-puso, ‘di ko pa rin magawang mapatawad. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, ito na ba talaga ‘yung pag-ibig na sinasabi nila? Ito na ba talaga iyon?

God! Ayoko nang umibig pang muli, kung ga’yon. Kung masasaktan lang ako, nang ganito, ayoko na. Kung lagi lang akong aasa, ayoko na. Kung ikaw lang naman ang iibigin ko, ayoko na. Tama na.

Pag-ibig? Oo nga ‘no? Paano ba ibaybay ang salitang iyon? Kung ako ang tatanungin mo, siguro’y ito ang aking pag-ibig. Ito ang pag-ibig na aking kinalakhan. Ito ang pag-ibig na pinag-iikutan ng buhay ako.

Pag-ibig? At sana isang araw, ikaw na ang magbago sa aking kahulugan ng salitang iyon. Sana balang araw, ako, ikaw, at ang pag-ibig ay iisa, at ‘di iba.

Phase

Minsan kino-convince ko pa rin ang sarili ko. Sige, aral pa. Aral lang. Okay, mahirap…pero, aral lang talaga. Walang party life*, walang love life*. Ang dami ko na rin palang nai-sacrifice. Mga pagkakataong may makakasama sana akong tao sa aking buhay, mga panahong maari kong naigugugol sa kanya, sa kanila, nawala lahat.

Sa totoo lang, minsan hindi na ako masaya. Minsan nararamdaman kong ako’y nag-iisa. Madalas, feeling ko wala akong kwenta, walang halaga. Parang…wala akong ginawang tama, wala akong ginagawang tama. Parang, “Okay, so what kung magaling ka sa acads?”. So what? So what nga naman. So what nga naman lahat ng mga paghihirap ko. Mga gabing hindi talaga ako natutulog para makapag-aral, mga panahong hindi na ako kumakain dahil ang daming gagawin, mga pagkakataong kinakalimutan kong kailangan ko pang mabuhay…SO WHAT NGA NAMAN. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung may silbi pa ba ang ginagawa ko (at malamang iniisip mo, “So what?”).

Pero hindi ko pa ring mapigilang ‘di masaktan. Lalo na pag so-what ng mga magulang ko ang sumasampal sa aking mukha. THANK YOU MOM AND DAD HA, SOBRA. Excited na excited pa naman akong ipakita sa kanila ang grades ko, yung grades na kahit hindi sobrang taas, yung ine-expect nila, alam kong pinaghirapan ko naman. ‘Yun lang naman. LANG. Putang ina. Hindi ko talaga mapigilang hindi magmura. E tang ina naman. Nag-aaral akong mabuti para maging proud sila. Putang ina, para sa kanila. Kung alam lang nila. Sorry ha, pero 1.43 lang ang GWA na kaya ko. Putang ina talaga. Buti pa ‘yung mga kaibigan ko, natutuwa para sa akin, may naiinspire, may “okay lang”, pero putang ina…MAGULANG KO? Naiinis pa rin ako, hindi ko lang masabi sa kanila. Kasalanan ko ba kung manhid sila? Kalasalan ko ba kung hindi ako ganoon katalino? NAGSIPAG AKO KUNG ALAM LANG NILA. AT KUNG ALAM LANG NILANG HINDI MADALING MAG-ARAL SA UP. HINDI AKO PETIKS, OKAY? SORRY KUNG HINDI KO UNO LAHAT. At kung sasabihin nilang natutuwa naman sila sa akin, putang ina nila! Iparamdam nila hindi yung puro lang sabi! Miski congrats nga hindi ko narinig sa mom ko. Leche. Pati rin naman noong nagka-honours ako noong high school, ganito rin sila. Isa pang putang ina (mailabas lang talaga ang sama ng luob ko).

Siguro kasalanan ko rin; hindi pa ako nasanay…sa leche kong buhay.  Siguro kasalanan din nila; wala silang tumblr at hindi nila ‘to mababasa. Siguro kasalanan ko rin; wala akong lakas ng luob na sabihin sa kanila ito at murahin sila sa harapan nila nang malaman nila ang mga dinarala ko. Siguro kasalanan din nila; wala silang ginagawa sa mga problema namin sa pamilya. Siguro kasalanan ko rin; hindi naman ako pinanganak na matalinung-matalino at magaling. Siguro kalanan ko rin, nila, namin. Siguro, siguro.

Malamang iniisip mo pa rin ang “so what” habang patapos na ‘tong tekstong binabasa mo. “So what kung may problema ka? sa sarili mo? sa pamilya mo? sa buhay mo?”. So what nga naman. So what sa lahat ng mga problema ko. So what sa lahat ng mga dinadamdam ko. So what, so what. At siguro nga’y “so what…kakayanin ko lahat ng ‘to!”.

                                                         

*Okay, nag-o-OA lang. Joke lang ‘yan na wala as in wala. Meron naman…slight…hihi.